Herlene Budol Proud sa Pagiging ‘Bobo’

 

Herlene Budol, kilala bilang "Hipon Girl," ay ipinahayag ang kanyang dahilan kung bakit siya proud sa pagiging 'bobo' sa isang panayam ni Ogie Diaz noong June 17, 2024 sa kanyang YouTube channel. Sa nasabing panayam, napansin ni Ogie na maganda ang aura ngayon ni Herlene. 


Kaagad naman itong sinagot ni Herlene at sinabing tamang pahinga, wastong pagkain, at ehersisyo lamang ang kanyang sekreto para rito.


Naitanong din ni Ogie kay Herlene kung ito ay may balak pang sumali sa beauty pageant. "Abangan po natin yan, as of now mas magfocus muna ako na mas patalinuhin ang sarili, at magfocus, dapat walang iniisip na problema, kasi pag sumali ka dito dapat buo ka at may determinasyon ka at buo ang puso mo at pagkatao mo," sagot ni Herlene. Natawa naman si Ogie sa sinabi ni Herlene at tinanong kung bakit nais nitong magfocus na patalinuhin ang sarili.


Pag-amin ni Herlene, "Hindi po bobo po from the start, bobo pa rin hanggang ngayon, bobo parin, proud bobo here." Paliwanag ng aktres, ang pagiging bobo ay yung willing kang matuto araw-araw dahil ayon sa kanya, marami pa umano siyang hindi alam sa pagsali sa mga pageant. Kaya naman nais umanong magfocus muna sa acting. Sa kanyang pagpapakumbaba at pagnanais na matuto, ipinakita ni Herlene ang tunay na kahulugan ng pagiging bukas sa mga bagong kaalaman at karanasan. 


Photo: Harlene/IG


#HerleneBudol #ProudBobo #OgieDiaz #BeautyPageant #LearningEveryday #FocusOnGrowth #HiponGirl #ActingCareer #Determination #SelfImprovement


No comments:

Post a Comment

Popular Posts