Gerald Anderson Willing Makatrabaho ang mga Ex

 



Gerald Anderson Willing Makatrabaho ang mga Ex

Photo: Gerald/IG


Willing umano ang Kapamilya Actor na si Gerald Anderson na makatrabaho ang kanyang mga naging jowa noon. Ibinunyag ito ng aktor sa isang panayam sa kanya ng broadcaster na si Karen Davila sa YouTube channel nito.


Sa naturang panayam, tinanong si Gerald kung handa ba siyang makatrabaho ang kanyang mga ex. "Can you work with any of your exes?" tanong ni Karen. "Grabe naman, of course. Sino ba naman ako para hindi," natatawang sagot ni Gerald at nagbiro pa siya ng, "Cut, cut."


Matatandaan na ilan sa mga nakarelasyon ni Gerald ay ang mga aktres na sina Kim Chiu, Maja Salvador, at Bea Alonzo. Ang kanyang sagot ay nagpapakita ng kanyang pagiging propesyonal at bukas sa posibilidad na magtrabaho muli kasama ang mga dating kasintahan. 


Nagbigay ito ng positibong mensahe sa kanyang mga tagahanga at sa industriya, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho at kakayahan na mag-move on mula sa nakaraan para sa ikabubuti ng kanilang karera.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts