Gerald Anderson Bumanat sa Totoong Estado ng Kalusugan ng Kanyang Girlfriend na si Julia Barretto

 


Gerald Anderson Bumanat sa Totoong Estado ng Kalusugan ng Kanyang Girlfriend na si Julia Barretto

Photo: Julia/IG


Nagsalita na ang aktor na si Gerald Anderson kaugnay sa pagka-ospital ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto. Naibahagi ito ng aktor sa panayam ng ABS-CBN News sa naganap kamakailan na 2024 Star Magic All Star Games sa Araneta Coliseum.


Ayon kay Gerald, isa sa mga nakita nilang dahilan kaya nagkasakit si Julia ay ang kanyang busy na schedule. "Yung duda namin, nagkasakit na kasi she was shooting a movie, then a series. Then now, magshu-shoot ulit siya ng movie, so medyo sunod-sunod na. So nagkasakit siya, but ganoon talaga. Na-confine siya ilang days din. Malala din, malala," sabi ng aktor.


Dagdag pa ni Gerald, kinakailangan talaga ni Julia na magpahinga dahil sa sunod-sunod na proyekto na kinailangan niyang tapusin. Ngunit umaasa siya na sa tulong ng mga doktor at sapat na pahinga, mabilis na gagaling si Julia at makakabalik agad sa kanyang mga gawain.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts