Ellen Adarna Pinatulan ang Isang Netizen Tungkol sa Kanyang Anak na Hindi Kasama ang Tunay na Ama Nitong si John Lloyd Cruz

 



Ellen Adarna Pinatulan ang Isang Netizen Tungkol sa Kanyang Anak na Hindi Kasama ang Tunay na Ama Nitong si John Lloyd Cruz


Isang bagong post ang ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram account, kung saan makikita siya kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto Cruz at asawang si Derek Ramsay. Ang larawan ay kuha mula sa moving-up ceremony ni Elias noong Hunyo 17, 2024, at nilagyan ng caption ni Ellen na, “The only decent moving-up photo [laughing emojis].” Marami ang natuwa sa larawan at tumanggap ito ng magagandang komento mula sa mga followers ng celebrity couple tulad ng, “Beautiful Family, Congratulations Elias” at “Lovely Family.”


Ngunit nag-iba ang mood ni Ellen nang may mabasa siyang isang comment na hinahanap si “JL” o John Lloyd Cruz sa nasabing moving-up photo ni Elias. Isang netizen ang nagkomento ng, “JL Should be present.” Hindi ito pinalampas ni Ellen at kaagad na sinagot ang sinabi ng netizen. Ayon kay Ellen, hindi ibig sabihin na wala si John Lloyd sa ‘moving up’ ng anak dahil hindi nakita sa larawan. 


Ayon kay Ellen, “AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. Just because he’s not in the photo doesn’t mean he was not there. Wag masyadong close-minded manang. Present father naman siya meaning present din siya sa lahat ng milestones ng anak niya.” Sa kanyang pahayag, ipinagtanggol ni Ellen ang pagiging responsableng ama ni John Lloyd at pinayuhan ang netizen na huwag makialam sa kanilang pribadong buhay.


Photo: Ellen/IG


#EllenAdarna #JohnLloydCruz #EliasModesto #MovingUp #CelebrityFamily #DerekRamsay #InstagramDrama #ProudParents #FamilyMilestones #MindYourOwnBusiness


No comments:

Post a Comment

Popular Posts