Elijah Canlas may Diretsahang Sagot na Hindi sya Bakla
Napagkamalan si Elijah Canlas na miyembro ng LGBTQ+ community, ngunit in-address ng aktor ang isyung ito sa isang panayam ni Ogie Diaz noong June 16, 2024. Sa nasabing panayam, tinalakay ni Elijah ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang sekswalidad na nag-ugat mula sa kanyang pagganap sa pelikulang "Gameboys," kung saan kapareha niya si Kokoy de Santos. Bagama't suportado ni Elijah ang LGBTQ+ community, nilinaw niyang hindi siya kabilang dito, ngunit nauunawaan at sinusuportahan niya ang kanilang mga pakikibaka.
Paliwanag pa ni Elijah, "And they represent themselves kasi siyempre kahit ally ako, sinusuportahan ko 'yung pakikibaka ng LGBTQ community at nauunawaan ko 'yung struggle." Idinagdag pa ng aktor na hindi muna siya tatanggap ng mga role bilang isang bakla upang mabigyan ng oportunidad ang iba pang queer actors. Aniya, "Nagsabi na ako na this maybe my last for a while kasi gusto ko ring mabigyan ng opportunity 'yung iba pang Queer actors, marami akong kilalang queer actors as well na mahuhusay and I'd be proud enough na makakuha sila ng ganu'n klaseng trabaho."
Ayon pa kay Elijah, minsan na siyang napagkakamalang bakla, ngunit secure siya sa kanyang sariling identidad. "Hanggang ngayon naman yata Mama Ogs napagkakamalan ako, pero (sabi ko), I'm fine, I guess it's a compliment that people believe I'm gay or from the community, secure ako sa sarili ko," pagtatapos ni Elijah.
#ElijahCanlas #LGBTQAlly #Gameboys #OgieDiazInterview #QueerRepresentation
No comments:
Post a Comment