Edu Manzano Naimbiyerna: Huli sa Akto ang Pangongotong ng Pulis sa Kanyang Driver
Photo: Edu/IG
Naglabas ng kanyang sama ng loob ang beteranong aktor na si Edu Manzano sa isang pulis na umano'y nangongotong sa kanyang driver. Sa pamamagitan ng isang post sa Twitter, inihayag niya ang kanyang pagkadismaya matapos mahuli sa akto ang pulis na humihingi ng suhol na P4,000 sa kanyang driver.
Ayon kay Edu, inamin naman nilang nagkaroon sila ng violation dahil sa isang illegal U-turn. Gayunpaman, ang higit na ikinagalit niya ay ang paghingi ng nasabing pulis ng pera kapalit ng hindi pagkakatiketan ng kanyang driver. “My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Blvd. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation, Illegal U-turn. Yes my driver made a mistake but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else…,” sabi ni Edu sa kanyang tweet.
Ikinuwento pa ni Edu na mula sa panimulang P2,000 na hinihingi ng pulis, umabot ito sa P4,000. “I lost it. I had to confront the cop. He started w/ a seminar, then P2K, then P4K. All the while I was in the back listening while he threatened my driver. I did not mince words,” dagdag pa niya.
Ang nasabing insidente ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, marami ang nagpahayag ng suporta kay Edu at kinondena ang ganitong uri ng korapsyon sa mga alagad ng batas.
I lost it. I had to confront the cop. He started w/ a seminar, then P2K, then P4K. All the while I was in the back listening while he threatened my driver. I did not mince words.
— Edu Manzano (@realedumanzano) June 8, 2024
My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Blvd. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation, Illegal U-turn. Yes my driver made a mistake but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else ….
— Edu Manzano (@realedumanzano) June 8, 2024
No comments:
Post a Comment