Donnalyn Pinatulan ang Basher Tungkol sa ‘Adopted Isyu’ sa Kanya

 



Binatikos si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang vlog na may pamagat na "I’m Adopted," kung saan inakusahan siya ng pagpapaawa. 


Ang naturang vlog, na in-upload noong June 16, 2024 sa kanyang YouTube channel, ay ginawa bilang selebrasyon ng Father’s Day para sa kanyang stepfather. Sa video, binigyang-diin ni Donnalyn ang kahalagahan ng kanyang tunay na pagkatao at ang malalim na pasasalamat niya sa kanyang amain na nagsilbing ama sa kanya simula pagkabata.


Ayon kay Donnalyn, labis niyang pinahahalagahan at minamahal ang kanyang stepfather dahil sa walang sawang suporta at pag-aalaga nito sa kanya bilang tunay na anak. Gayunpaman, tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pamagat ng vlog na "I’m Adopted," na nagdulot ng mga negatibong komento mula sa mga bashers. Isang netizen ang nagsabi, "Adopted daughter ka lang ng stepdad mo. Dahil kasama mo pa rin totoong nanay mo. Hindi ka naman kaawa-awang ampon na walang magulang at hindi mahanap. Nag-ingay ka na naman ng walang katuturan."


Hindi ito pinalampas ni Donnalyn at kaagad niyang sinagot ang mga bumabatikos sa kanya. “Hey, I’m sorry po if you misunderstood.. if hindi niyo po napanood.. hindi po ako nagpaawa, I actually did the opposite. Pinagmalaki ko po yung kabutihan ng adoptive parent ko. Hindi ko po alam bakit ako nacocompare sa “kaawa-awang ampon” when I actually told people na napakalaking blessing ng pagiging ampon “a far greater love than I was meant to have” and proceeded to say na hindi ko na kailangang hanapin pa ang pagmamahal ng magulang na hindi yun kusang binigay saakin. Demonstration po yung video ng pagpapasalamat kahit ano pang nangyaring hindi magaganda sa buhay natin.. at the end of the day, once you’re done crying, kailangan natin maalala na maraming bagay na dapat pagpasalamatan.. and if you focus on that, you will live a happy life."


Dagdag pa ni Donnalyn, "So sorry if you found other content creators’ content walang katuturan.. pero kakantahan nalang kita.. 'Di Lahat.. Di lahat ng.. maganda’y sasaktan ka lang' 🎶 jokes aside, I hope you heal from whatever you’re going through resulting you to project and say something unkind to another human being. Pero lahat tayo nagkakamali kaya naiintindihan kita. Don’t worry din po never ill-intentioned ang mga nagawa kong mali sa buhay ko. At lagi kong sinusubukan mag-improve at baguhin ano mang dapat baguhin. I genuinely wish you can consider doing the same and sana maging okay ka po whatever it is you’re going through."


Ang sagot ni Donnalyn ay nagpakita ng kanyang pag-unawa at pagpapakumbaba, na may layuning ipaliwanag ang kanyang intensyon sa paggawa ng vlog at magbigay inspirasyon sa mga nanonood. 


Photo: Donnalyn/IG


#DonnalynBartolome #AdoptedIssue #Father'sDayVlog #NetizenReactions #CyberBullying #ContentCreators #Positivity #Gratitude #Understanding #Healing

No comments:

Post a Comment

Popular Posts