Dominic Roque Pasikretong Diumanong Nanliligaw kay Kathryn Bernardo? Alamin!

 




Bali-balita ngayong sa socmed na diumanong nililigawan nga ba ni Dominic si Kathryn? Maraming tao ang nagtatanong tungkol sa closeness ng dalawa lalo na’t madalas silang nakikitang magkasama. Nito lamang ay natapos na ang relasyon ni Kathryn kay Daniel Padilla at ni Dominic kay Bea Alonzo, kaya’t usap-usapan ang pagiging single ng dalawa. 


Mariing itinanggi ni Dominic Roque ang mga balitang nililigawan niya si Kathryn Bernardo. Sa isang episode ng “Showbiz Update,” sinabi ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na may mga nagtatanong kung totoo bang may ligawang nagaganap sa pagitan ng dalawa. 

Photo: Dominic/FB


“May nagtanong lang naman sa akin ha… ‘Mama Ogs, nanliligaw ba si Dominic Roque kay Kathryn Bernardo?’,” ayon kay Ogie.


Ayon kay Ogie, hindi niya alam ang isasagot sa mga tanong na ito dahil ang alam niya, magkaibigan lamang sina Dominic at Kathryn. “Ang alam ko, si Dominic at si Kathryn ay best of friends,” dagdag pa ni Ogie. Bilang tugon, nag-post si Dominic ng isang mensahe sa social media na nagsasabing, “Kapatid ko po yan. Bros.”


Maraming tao ang nagtatanong tungkol sa closeness ng dalawa lalo na’t madalas silang nakikitang magkasama. Nito lamang ay natapos na ang relasyon ni Kathryn kay Daniel Padilla at ni Dominic kay Bea Alonzo, kaya’t usap-usapan ang pagiging single ng dalawa. Gayunpaman, ipinahayag ni Dominic na wala siyang intensyon na ligawan si Kathryn at itinuturing niya itong parang kapatid.


#DominicRoque #KathrynBernardo #ShowbizUpdate #OgieDiaz #BestFriends


No comments:

Post a Comment

Popular Posts