Dating Direktor na si Ronaldo Carballo Pinuna ang Itsura Ngayon ni Richard Gomez Habang Tumatanda

 



Dating Direktor na si Ronaldo Carballo Pinuna ang Itsura Ngayon ni Richard Gomez Habang Tumatanda

Photo: Richard Gomez/IG


Pinuna ng dating direktor na si Ronaldo Carballo ang itsura ngayon ng dating matinee idol na si Richard Gomez. Ayon kay Carballo, nami-miss niya ang panahon kung kailan si Richard ang tinaguriang Adonis ng Pelikulang Pilipino. Sa kanyang pahayag, napatanong siya kung bakit tila napabayaan ni Richard ang kanyang itsura, partikular na ang hindi pagpapagupit ng buhok. Ayon pa kay Carballo, sana ay hindi na lang pumasok si Richard sa pulitika at nanatili na lang bilang aktor, dahil kung ganoon umano ay aktibo pa rin ito sa TV at pelikula bilang leading man.


Sa kanyang obserbasyon, sinabi ni Carballo: “Matagal ko na syang hindi nakikita. Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58? Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya. Hindi man lang makapagpa-haircut.” Ayon sa kanya, kung hindi sana nagpolitiko si Richard, baka hanggang ngayon ay aktibo pa rin itong leading man sa industriya ng pelikula at telebisyon, at napanatili ang kanyang kagwapuhan.


Marami ang nakisimpatiya kay Carballo, at nakiisa sa kanyang pangungulila sa dating imahe ni Richard. Ayon sa ilan, ang pagiging politiko at farmer ni Richard ay tila nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang itsura at lifestyle. “Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino,” ani Carballo. Sana raw ay makita muli ang dating Richard Gomez na nagbigay saya at inspirasyon sa maraming Pilipino sa kanyang mga pelikula at teleserye.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts