Cristy Fermin Hindi Maka Move On Dahil Naungusan na ng It’s Showtime ang Eat Bulaga

 



Cristy Fermin Hindi Maka Move On Dahil Naungusan na ng It’s Showtime ang Eat Bulaga



Usap-usapan ngayon sa online community ang patuloy na kompetisyon sa ratings ng dalawang sikat na noontime shows, ang "Eat Bulaga" at "It’s Showtime." May ilang nagsasabi na tila naungusan na ng "It’s Showtime" ang "Eat Bulaga" pagdating sa ratings. Noong June 13, 2024, tinalakay ang isyung ito sa YouTube channel na "Showbiz Now Na," na pinangungunahan ni Cristy Fermin.


Ayon kay Cristy, wala nang dapat patunayan ang "Eat Bulaga" dahil matagal na itong naging champion, habang ang "It’s Showtime" ay parang challenger sa isang boxing match. “Sila yung dapat na magpakita ng pruweba. Kumbaga sa boxing sila yung challenger,” ani Cristy. Dagdag pa niya, kaya lamang daw napag-uusapan ngayon ang "Showtime" ay dahil sa kinaharap nitong isyu tungkol sa isang segment ng programa nila.


Cristy Fermin din ay may sinabi tungkol sa mga haka-haka na sinasadya ng "It’s Showtime" ang mga isyu para lamang magkaroon ng atensyon. “Meron akong kaibigan, abugado to ha. Sabi nya, natutuwa ba sila na dahil lang sa isyu na hindi kagandahan, pinagmamalaki nila na nakabog na nila ang Eat Bulaga? Paano kung wala na silang mga isyu? Hindi kaya sinasadya nila yan? Sabi ko hindi naman siguro, nagkataon lang,” dagdag niya.


Sa huli, pinuri ni Cristy ang "Eat Bulaga" sa kanilang tahimik at chillax na pagtrato sa kanilang programa, na ang layunin lamang ay magpasaya at magbigay ng papremyo sa mga tao. “Dito ay malalaman mo rin ang pagkakaiba ng dalawang show, kung gusto mo umano ng pampamilya at masaya lang, ‘Eat Bulaga’ ang iyong panoorin. Kung nais mo naman umano ng pang millennial at bardagulan, ‘It’s Showtime’ naman ang iyong panoorin. Ang mahalaga umano ngayon ay may pinagpipilian na ang mga tao. Ang tanong na lamang ay kung sino ang tatagal,” wika ni Cristy. Dagdag pa niya, walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu na magsasara na at nalulugi na ang produksyon ng "Eat Bulaga" dahil maganda umano ang relasyon at hatian ng TV5 at production ng "Eat Bulaga."


Photo: User/IG

No comments:

Post a Comment

Popular Posts