Coleen Garcia May Rebelasyon na Gusto-gustong Hiwalayan Noon si Billy Crawford

 




Coleen Garcia May Rebelasyon na Gusto-gustong Hiwalayan Noon si Billy Crawford

Photo: Billy Crawford/IG


Tapat na inamin ng aktres na si Coleen Garcia na gusto niyang makipaghiwalay noon sa kanyang asawa na si Billy Crawford, ngunit hindi pumayag ang huli. Ibinunyag ito ni Coleen sa isang panayam kay Boy Abunda nang mag-guest siya sa talk show na Fast Talk. 


Sa nasabing show, sinabi ni Coleen na never silang naghiwalay ni Billy, kahit na may mga panahon na gusto niyang tapusin ang kanilang relasyon. Aminado ang aktres na may mga pagkakataon na halos sumuko na siya, ngunit palaging ipinaglalaban ni Billy ang kanilang pagsasama. “There were a lot of instances na parang almost pero not really, kasi hindi siya pumapayag. Hindi talaga. Sabi niya, ‘No, we will fix this.’ Ipinaglalaban niya talaga always yung relationship. I am thankful for that kasi most of the times na gumi-give up ako, it’s not because may nagawa siya pero dahil napapagod ako. I think ganoon lang,” sabi ni Coleen.


Dagdag pa niya, “So it took being with somebody who’s the opposite na who taught me the value of commitment. And nadadala ko siya everywhere in my job and everywhere. So, nagpapasalamat talaga ako kay Billy because being married to him really taught me how to be more committed, not just in my marriage but in everything—other relationships, work... Kapag naibigay mo na yung best mo at wala pa rin nagbabago, dun ka na mag-give up. Pero sa amin kasi, he really makes such an effort to always fix what's wrong.” Ang pagsasama nila ni Billy ay nagturo kay Coleen ng halaga ng dedikasyon at pangako, hindi lamang sa kanilang kasal kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng kanyang buhay.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts