Claudine Barretto May Banat sa mga Nagsusulong ng Divorce: “A second change to right your wrongs'

 



Claudine Barretto May Banat sa mga Nagsusulong ng Divorce: “A second change to right your wrongs'

Photo: Claudine/IG


Nagbahagi ng kanyang saloobin ang aktres na si Claudine Barretto hinggil sa isyung diborsyo na kasalukuyang tinatalakay ng pamahalaan ng Pilipinas. Sa kanyang Instagram, nag-post si Claudine ng dalawang larawan na may mensahe. Ang una ay nagsasabing: “Divorce: Having the courage to choose how you’re going to spend the rest of your life.” Ang pangalawa naman ay may nakasaad na: “Divorce – The end of an error.”


Pinamagatan ni Claudine ang mga larawan ng ganitong mensahe:


“Annulment is a very long, painful & very Expensive 💔 Divorce gives you a second chance to right your wrongs. JUST MY OPINION.”


Ayon sa kanya, ang annulment ay isang mahaba, masakit, at napakamahal na proseso. Naniniwala siya na ang diborsyo ay nagbibigay ng isang pangalawang pagkakataon upang itama ang mga nagawang pagkakamali. Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang suporta sa opinyon ni Claudine, habang ang iba naman ay nagbigay ng kanilang saloobin hinggil sa nasabing isyu.


1 comment:

Popular Posts