Christine Ng 'Espcially for You' ng It's Showtime Humagulhol sa Iyak Dahil Diumano sa Kagagawan ng It's Showtime Hosts

 



Christine Ng 'Espcially for You' ng It's Showtime Humagulhol sa Iyak Dahil Diumano sa Kagagawan ng It's Showtime Hosts

Photo: User/FB


Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video ni Christine, na miyembro ng Its Showtime, kung saan makikita siyang umiiyak nang labis matapos diumano'y gawin siyang sinungaling ng mga staff ng programa. Ang video ay kuha pagkatapos ng kontrobersyal na pahayag ni Vice Ganda tungkol sa isyu nila ni Axel Cruz.


Sa nasabing video, maririnig ang madiing pagsagot ni Christine sa staff ng Its Showtime, "Ginawa n'yo akong sinungaling!" Habang umiiyak siya, makikita ang kanyang pagkadesperado at kalungkutan dahil sa naging sitwasyon. Ayon sa mga ulat, nagmumukha umano siyang sinungaling sa mata ng publiko dahil sa statement ng programa na nagsasabing totoong na-offend siya sa ginawa ni Axel.


Ang video ay in-upload ng kapatid ng ex-boyfriend ni Christine na nagmamalasakit sa kanyang kalagayan. Ayon sa uploader, mas lalong nabash si Christine matapos ang statement ng Its Showtime tungkol sa pagbawi ng sorry kay Axel. Sa video, makikita ang hysterical at walang tigil na pag-iyak ni Christine habang nakikipagtalo sa staff ng programa, na tila nagkaroon ng misunderstanding sa kanilang nakaraang pag-uusap.


Sa huling bahagi ng video, hiniling ng uploader, na kaibigan din ni Christine, na sana ayusin na ng Its Showtime ang isyu upang malinis ang pangalan ni Christine at matigil na ang pambabatikos ng mga netizens sa kanya. Matatandaan na naglabas ng opisyal na pahayag si Vice Ganda kasama ng ilang host ng Its Showtime tungkol sa insidente.


Sa kabila ng lahat, maraming netizens ang nagpapahayag ng suporta para kay Christine, umaasang maayos ang isyu at matigil na ang negativity na ibinabato sa kanya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts