Carlo Aquino Hindi Umano Inimbitahan ang Anak niyang si Mithi sa Kanyang Kasal




Carlo Aquino Hindi Umano Inimbitahan ang Anak niyang si Mithi sa Kanyang Kasal

Photo: Ogie Diaz/YT


Binasag na rin sa wakas ni Trina Candaza ang kanyang katahimikan kung bakit wala ang anak niyang si Mithi sa kasal ng dati niyang partner na si Carlo Aquino. Sa latest Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi nito na natanong niya si Trina kung bakit wala si Mithi sa kasal ng kanyang ama.


Ayon kay Trina, hindi raw nagtanong si Carlo sa kanya kung pwedeng um-attend si Mithi. "'Yun na nga. Alam mo tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi. Baka raw 'yung iba ma-misinterpret na hindi niya pinayagan. Carlo daw didn't ask if pwedeng um-attend. Pero kay Trina, kung nagpaalam lang daw si Carlo, bakit naman daw ang hindi. E hindi nga raw nag-reach out sa kanya," kwento ni Ogie na sinabi umano ni Trina.


Ang isyung ito ay nagdulot ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens. Marami ang nagsasabi na sayang ang pagkakataon na makasama si Mithi sa mahalagang okasyon ng kanyang ama. May mga netizens din na nagbigay ng kanilang opinyon na dapat ay nag-usap ang dalawang magulang para sa kapakanan ng kanilang anak.


Sa kabila ng kontrobersiyang ito, umaasa ang marami na magkakaroon ng maayos na pag-uusap si Carlo at Trina para sa ikabubuti ng kanilang anak na si Mithi. Sa huli, ang interes ng bata pa rin ang dapat unahin ng dalawang magulang.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts