Carlo Aquino at Charlie Dizon May Pinariringgan? Viral Matapos Ni-reenact ang Linyahang 'Akala Mo Lang Wala'

 



Carlo Aquino at Charlie Dizon May Pinariringgan? Viral Matapos Ni-reenact ang Linyahang 'Akala Mo Lang Wala'

Photo: 3rdavenuemusic/IG


Nag-viral ngayon sa social media ang video kung saan ni-reenact nina Charlie Dizon at Carlo Aquino ang famous line ng aktor mula sa pelikulang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa”. Ang naturang video ay ibinahagi ng bandang 3rdavenuemusic, kung saan makikita ang sweet moment ng mag-asawa habang sinasabi ang iconic na linyang, “Akala mo lang wala pero meron, meron.”


Dinugtungan pa nila ito ng "Merong forever," na nagpakilig sa mga netizens. Ang reenactment na ito ay naganap sa harap ng ilang kaibigang dumalo sa kanilang kasal noong June 9 sa Cavite. 


Matatandaan na ikinasal sina Charlie Dizon at Carlo Aquino noong June 9 sa isang pribadong seremonya. Ang kanilang kasal ay naging usap-usapan dahil sa pagiging intimate at espesyal ng okasyon. Ang viral video ay patunay ng kanilang pagmamahalan at saya sa pagiging mag-asawa, na nagbigay ng inspirasyon at kilig sa maraming tao.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts