Broadcaster Arnold Clavio Muntik ng Mawalan ng Buhay dahil sa Hemorrhagic Stroke

 



Broadcaster Arnold Clavio Muntik ng Mawalan ng Buhay dahil sa Hemorrhagic Stroke


Nakaligtas ang beteranong broadcaster na si Arnold Clavio mula sa isang hemorrhagic stroke matapos maglaro ng golf sa Antipolo. Ayon kay Arnold, habang pauwi siya, nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang kanang kamay at binti.


Huminto siya sa isang malapit na gasoline station para suriin ang kanyang kalagayan at nagdesisyon na mag-drive patungo sa pinakamalapit na ospital. Narito ang kanyang kuwento:


"Narito ang kuwento ko … Isang regular na araw. Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti. Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at brake. Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko. Papunta ng restroom, hindi na ako makalakad. Kailangan ko na may mahawakan. Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko. Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan. At hindi ito naging madali."


" Sabi ko, titigil ako sa unang ospital na makikita ko. Kaya mula Antipolo, maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center. Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270. Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak. At sa oras na yon, ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’! Inilipat ako sa St. Lukes Hospital para ma-obserbahan pa. Agad akong inasikaso sa ER ng kanilang brain attack team at dinala sa Acute Stroke Unit ng ospital para ganap na bantayan ang aking BP at sugar."


Nagbigay paalala si Arnold sa kanyang mga tagasubaybay: "Feeling ok does not mean you're ok. Feeling good does not mean we're good. Listen to your body. Traydor ang hypertension! Always check your BP. Thank you Lord. I personally experienced your MIRACLE. 🙏 Abangan ang iba ko pang kuwento …"

Photo: Arnold/IG


No comments:

Post a Comment

Popular Posts