Bimby Hindi Matiis ang Emosyon na Palaging Nakikita ang Paghihiran ng Ina

 


Bimby Hindi Matiis ang Emosyon na Palaging Nakikita ang Paghihiran ng Ina


Isang video ang nag-trending sa social media kung saan nagbigay si Bimby Aquino ng taos-pusong mensahe sa lahat ng nagdarasal para sa kanyang ina na si Kris Aquino. Sa nasabing video na ibinahagi ng beauty expert na si Kimora Bernabe, makikitang personal na nagpapasalamat si Bimby sa grupong Jaguar Healer na ayon kay Kimora ay patuloy na nagdarasal para sa kalusugan ng aktres. "Hello Jaguar, thank you po for praying a lot for my mom," ani Bimby sa video. Talagang nakakaantig ng damdamin ang kanyang pasasalamat, lalo na sa mga tagasuporta ng kanilang pamilya.


Sinabi ni Kris sa kanyang Instagram post kamakailan na nagiging positibo ang resulta ng kanyang gamutan at nagpapakita ng magandang tugon ang kanyang katawan sa chemotherapy para sa kanyang autoimmune disease. Malaki ang pasasalamat ni Kris sa mga dasal at suporta na natatanggap nila, lalo na mula sa grupong Jaguar Healer na labis na nag-alay ng kanilang panahon para ipanalangin ang kanyang paggaling. Ang positibong update na ito ay nagbibigay pag-asa sa marami na patuloy na nagmamahal at sumusuporta kay Kris sa kanyang laban.


Habang nasa Amerika si Kris para sa kanyang gamutan, nananatili sa kanyang tabi ang bunsong anak na si Bimby. Siya ang nagsisilbing assistant ng kanyang ina, at malaki ang naitutulong niya sa araw-araw na pangangailangan ni Kris. Sa bawat pagkakataon, pinapakita ni Bimby ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa kanyang ina, bagay na labis na pinahahalagahan ng kanilang mga tagahanga. 


Photo: Bimby/IG


#BimbyLove #PrayersForKris #FamilySupport #HopeAndHealing #KrisAquinoJourney



No comments:

Post a Comment

Popular Posts