Beteranong Aktor na si Soliman Cruz Hirap ang Dinanas Pagkatapos ng Kasikatan

 




Beteranong Aktor na si Soliman Cruz Hirap ang Dinanas Pagkatapos ng Kasikatan

Photo: User/GB


Si Soliman Cruz ay isang kilalang beteranong aktor na nagsimula sa teatro. Nakilala siya sa mga pelikulang "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" noong 2005 at "Kasal, Kasali, Kasalo" noong 2006. Noong 2014, nagviral ang balita tungkol kay Soliman matapos siyang makita ng ilang netizens na palabuy-laboy sa lansangan, halos wala sa sarili. Sa panayam ni Ogie Diaz, inamin ni Soliman na nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot noong 2013, dahil sa impluwensya ng isang kaibigan.


Malaki ang naging epekto ng droga sa buhay ni Soliman. Umabot sa puntong nakakarinig na siya ng mga bulong, dahilan upang iwan siya ng kanyang asawa at mga anak. Ayon sa kanya, minabuti ng kanyang pamilya na manirahan sa La Union, habang siya naman ay piniling magpalabuy-laboy sa lansangan. Nanirahan siya kasama ang iba pang mga taong lulong sa droga at nagsasalita na rin nang mag-isa. Kahit na nakakatanggap siya ng tulong mula sa mga nakakakilala sa kanya, ginagamit lang niya ang mga ito para tugunan ang kanyang bisyo.


Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa rehab pero walang nangyayari, hanggang sa dumating ang pagkakataon na natauhan siya at nagbago nang tuluyan. Ngayon, nagbigay si Soliman ng payo para sa mga kabataan: “Choose your friends, kasi sa kaibigan ko natutunan ‘yong mga ‘yan... yung addiction ay isang impyerno… wag n’yo nang subukan at kung yung mga magulang n’yo nasa piling n’yo pa, makinig kayo sa mga payo nila… dahil sila ang nagluwal sa inyo. Hindi naman ang mga kaibigan n’yo. Yong mga magulang n’yo wala naman silang sasabihin na ikakasama ninyo.”



No comments:

Post a Comment

Popular Posts