Bea Alonzo May Bagong half Pinoy-half Foreigner Boyfriend Pagkatapos ng Breakup with Dominic

 



Bea Alonzo May Bagong half Pinoy-half Foreigner Boyfriend Pagkatapos ng Breakup with Dominic  


Sa ulat ni talent manager at vlogger Ogie Diaz sa kanyang online program na "Showbiz Update," ibinunyag niya na may bagong boyfriend na si Bea Alonzo matapos ang kanyang paghihiwalay kay Dominic Roque. Ayon kay Ogie, ang bagong boyfriend ni Bea ay half Pinoy-half foreigner.


"Ang nakarating lang sa akin ay meron na siyang bagong boyfriend," pahayag ni Ogie sa kanyang programa.


Dagdag pa niya, "Kung totoo man ito, kasi kailangang marinig pa natin ang panig ni Bea ha, ngayon kung totoo ito we are so happy for Bea despite ng fact na meron tayong issue hiwalay yun. Eto magandang balita ito di ba."


Binanggit din ni Ogie na okey na ang sitwasyon nina Bea at Dominic at sila'y magkaibigan na lamang ngayon.


Samantala, wala pang opisyal na pahayag mula kay Bea Alonzo hinggil sa bagong relasyon na ito. Kaya't abangan pa ang mga susunod na kaganapan mula sa aktres mismo upang linawin ang balitang ito.

Photo: Bea/IG


No comments:

Post a Comment

Popular Posts