Bagong Video ni Crissa May Ibubulgar Diumano sa Kasinungalingan ni Philmar

 



Bagong Video ni Crissa May Ibubulgar Diumano sa Kasinungalingan ni Philmar

Photo: Crissa/IG


Nag-viral ngayon sa social media ang bagong video ni Crissa Liaging kasunod ng interview nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ni Boy Abunda. Sa naturang interview ay inihayag ni Philmar na siya ay lasing sa mga oras na kausap niya si Crissa sa nag-viral nilang video ngunit kahit lasing raw siya ay alam niya ang kanyang limitations.


Samantala, sinabi naman ni Andi na hindi raw siya apektado sa nag-viral na video ni Philmar at Crissa: "No. When I saw the video, I ignored it. Pinagtawanan lang namin. What bothered me is finding out that it was done on purpose, that the person on the video was the one who posted it."


Sa video naman na ipinost ni Crissa sa kanyang Facebook, naging usap-usapan ngayon ito dahil sa makahulugan nitong caption. "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo," mababasa sa caption ng kanyang video na tila may ibig iparating si Crissa.


Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon at spekulasyon ukol sa tunay na ibig sabihin ng caption ni Crissa. Ang ilan ay nag-iisip na maaaring may mas malalim na kwento sa likod ng viral na video at inaabangan ang anumang susunod na pahayag mula kay Crissa. Habang patuloy ang mga diskusyon, tila hindi pa natatapos ang kontrobersiyang ito sa pagitan nina Crissa, Philmar, at Andi.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts