Andi Eigenmann's Loyalty Nananitili Parin kay Philmar Alipayo Sa Kabila ng Mga Isyong Pangloloko



Andi Eigenmann's Loyalty Nananitili Parin kay Philmar Alipayo Sa Kabila ng Mga Isyong Pangloloko

Photo: Andi/IG


Sa kabila ng nagsilabasang isyu, malakas ang tiwala ni Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo. Ipinahayag ni Andi sa isang panayam sa Cabinet Files habang sila ay nasa taping ng My Mother, My Story sa San Fernando, La Union. Ayon kay Andi, alam niya ang mga uri ng babae na gusto ni Philmar, at buong-buo ang kanyang tiwala sa kanya.


Dagdag pa ni Andi sa panayam na sinasabi raw ni Philmar ang lahat sa kanya tungkol sa mga pangyayari kahit na sila ay hindi magkasama, kaya't hindi siya naapektuhan ng kumalat na video.


Nakausap din ni Boy Abunda sina Andi at Philmar at ikinuwento nito sa Fast Talk ang kanilang pag-uusap. Ayon sa kuwento ni Abunda, uminom lamang si Philmar at nakipagkaibigan siya sa isang babae sa video, at wala nang iba pang nangyari. Inedit lang daw ito at in-upload upang lumikha ng isyu.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts