Alex Gonzaga Na Imbyerna nga ba ng Dinaklot ng Fans ang Kanyang Dibdib?

 



Alex Gonzaga Na Imbyerna nga ba ng Dinaklot ng Fans ang Kanyang Dibdib?

Photo: Alex/IG


Imbes na magalit, ginawang joke ng aktres at social media star na si Alex Gonzaga ang ginawang pagdaklot sa kanyang dibdib ng isang babaeng fan sa Ormoc City. Sa video na shinare ni Alex sa Instagram, makikita na habang naglalakad siya sa crowd habang inaalalayan ng kanyang asawa, biglang sumulpot ang kamay ng isang fan at nag-landing sa kaliwang bahagi ng dibdib niya. 


Nagulat si Alex kaya napatingin sa nanghipo sa kanya. “Gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-Ormoc. Kala ni Ate asawa ko nadibdiban niya, tumili pa eh! Akin yung nilapirot mo the!” ani Alex sa caption. Hindi naman na-offend ang aktres at ipinagtanggol pa ang fan.


Ayon kay Alex, excited lang raw ang babae at hindi rin naman nito intensyon na mahawakan ang kanyang dibdib lalo’t may mga barikada, nagkakagulo ang mga tao, at maraming bodyguards. Sa kabila ng insidente, ipinakita ni Alex ang kanyang pagiging kalmado at sense of humor, bagay na ikinatuwa ng kanyang mga followers.


Paalala lang niya sa mga kapwa niya celebrity na mag-ingat kapag maraming tao. Ang pangyayaring ito ay isang halimbawa na kahit sa mga hindi inaasahang sitwasyon, maaaring harapin ng may positivity at good vibes.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts