Ai Ai Delas Alas Nabuwisit sa Star Cinema Dahil Di Pinayagan ang Hiling na Magkareunion ang Hit movie niyang "Tanging Ina"

 





Ai Ai Delas Alas Nabuwisit sa Star Cinema Dahil Di Pinayagan ang Hiling na Magkareunion ang Hit movie niyang "Tanging Ina" 

Photo: Ai-ai/FB


Usap-usapan ngayon sa social media ang video ni Ai Ai delas Alas kung saan galit siyang naglabas ng sama ng loob sa Star Cinema. Nakarating kasi umano kay Ai Ai na pinapatanggal sa balita ang pahayag niyang gusto niyang gumawa ng "Tanging Ina the Reunion."


Kinukuwestiyon ni Ai Ai ang pamunuan ng Star Cinema kung bakit pinatatanggal nito ang mga balita patungkol sa sinabi niyang gusto niyang magkareunion ang hit movie niyang "Tanging Ina." Ayon sa aktres, wala namang masama sa kanyang tanong at hindi rin dapat ito itago sa publiko.


Bahagi ng talak ni Ai Ai, "Ano'ng masama kung magtanong ako? At saka ano namang masama kung mabalita 'yun? Masama ba 'yun? Or baka ayaw n'yong ma-associate sa akin? Bakit? Pinagkakitaan n'yo naman ako dati sa Star Cinema, 'di ba? Masama ba 'yun? At saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit n'yo ako, gano'n? So, tama na. O, edi hindi na. 'Wag na nating gawin [‘yung pelikula]. Iba na lang. Ibang pelikula na lang. O, edi sa inyo na 'yan!"


Sa caption din ng kanyang post, sinabi niya: "Masamang ma-news na gusto kong gawin ang Tanging Ina the Reunion?? O kung ayaw nyo wala namang pumipilit nag tatanong lang??? Hindi naman ako mamatay kung hindi ko gagawin yan... kung ayaw nyo e di wag... may pa take down-take down pa kayong nalalaman OAaaaaaaaa.... #tamananga #maginghumble #umayoskayo maygmafilmsnaman #matagalnakongkapuso #masayakosagma."


Maraming netizens ang nag-react sa pahayag ni Ai Ai, na nagpapakita ng kanilang suporta sa aktres at pagkadismaya sa posibleng censorship ng Star Cinema.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts