Xian Lim Inamin Diumano na Hindi Sya ang Naghiwalay

 



Xian Lim Inamin Diumano na Hindi Sya ang Naghiwalay

Photo: Xian Lim/IG



Sa isang panayam, nilinaw ni Xian Lim ang ilang isyu hinggil sa hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu. Una niyang tinukoy ang balitang nagpaluto umano siya ng steak sa dating nobya bago sila naghiwalay, at itinanggi niya ito. 


Ayon kay Xian, ito ay fake news at wala itong katotohanan. Hindi rin siya ang unang nakipaghiwalay, kundi si Kim. Saad ni Xian, “There’s no truth to it. It’s absurd. I don’t see where it’s coming from. Is it because people are using us for entertainment? I cannot orchestrate that. I wasn’t the one who initiated the breakup. All these fake news, all these dagdag-bawas, are just too much already.”


Bagamat nagpahayag ng ganitong pahayag si Xian, patuloy pa rin ang mga batikos sa kanya mula sa ilang netizens. May mga nagsasabing pa-victim daw siya, at may mga nagkomento na tila hindi nila tinatanggap ang paliwanag ni Xian. Sinabi ng ilan na dapat daw manahimik na lang si Xian at hindi na mag-ingay, at may mga nagpapahayag ng kanilang negatibong opinyon tungkol sa aktor.


1 comment:

  1. Pag naiipit nagpapaliwanag at lahat ng babae ay ang wish ay kasal

    ReplyDelete

Popular Posts