Xian Lim Diretsahang Sinagot and Tanong ni Dingdong Dantes ng 'Family Feud' Kung Ano ang Sasabihin mo Pag Nakasalubong Ex Mo

 



Xian Lim Diretsahang Sinagot and Tanong ni Dingdong Dantes ng 'Family Feud' Kung Ano ang Sasabihin mo Pag Nakasalubong Ex Mo


Sa isang episode ng "Family Feud" na pinangungunahan ni Dingdong Dantes, muling napag-usapan ang aktor na si Xian Lim matapos itong magbigay ng kanyang sagot sa tanong na, "Kung makakasalubong mo ang ex mo ano ang sasabihin mo?" Kasama sa kanyang team sina Sana Lopez at Coleen Garcia. 


Nang tanungin tungkol sa kanyang magiging reaksyon sa isang posibleng pagtatagpo sa kanyang ex, ang aktres na si Kim Chiu, ngumiti si Xian at nagsabing, "I think ‘pag nakasalubong mo ang ex mo… you should say na, ‘I hope you do find that happiness that it is you’re looking for.” Dagdag pa niya, "Dapat masaya, diba? Dapat masaya kayo para sa isa’t isa."


Ang pahayag ni Xian ay agad na nag-trending at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens, lalo na't kamakailan lang ay naging usap-usapan ang hiwalayan nila ni Kim Chiu noong Disyembre 2023. 


Ang kanilang relasyon ay tumagal ng 12 taon, at marami sa mga tagahanga ni Kim ang tila sinisisi si Xian para sa kanilang hiwalayan, lalo na't mayroon na itong bagong nobya matapos lamang ang kanilang break-up. Sa kabila nito, ipinahayag ni Xian na ang 12 taong relasyon nila ni Kim ay isa sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay, at tinawag itong "best gift he could ever ask for." Marami namang netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento, karamihan ay negatibo, at ipinapakita ang kanilang suporta para kay Kim Chiu.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts