Whamos Di Magpapatalo, Binigyan si Diwata ng Gold and Laptop

 



Whamos Di Magpapatalo, Binigyan si Diwata ng Gold and Laptop

Diwata/FB


Si Diwata, ang viral na pares vendor, ay tila pinagpala ng mga regalong natanggap mula sa sikat na social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail. Sa isang video na ibinahagi niya, masayang in-unbox ni Diwata ang mga natanggap na regalo, na nagsimula sa isang "gold bar" mula kay Antonette. "Parang gold ba, ano? Pero sabi souvenir daw 'to. Basta gold, pampaswerte daw ito," ani Diwata habang hinahangaan ang kinang ng regalo.


Kasunod nito, ipinakita ni Diwata ang laptop na ibinigay naman ni Whamos. Tuwang-tuwa siya sa bagong gadget, na ayon sa kanya ay magagamit niya ng husto. "Maganda. Importante din ito sa akin dahil kailangan ko 'to. Kaya bagay na bagay ito sa akin para syala-syalahan ang drama ko dito. Pak! Ganyan-ganyan kunwari marunong ako mag-laptop," biro niya habang tinutuklas ang bagong kagamitan.


Ang mga regalong ito ay hindi lamang nagpangiti kay Diwata kundi pati na rin sa kanyang mga followers na natuwa sa kanyang kasiyahan. Sa post niya sa kanyang Facebook page na Diwata Pares Overload, ipinakita niya ang kanyang pasasalamat at kagalakan sa mga natanggap na regalo. Ang simpleng vendor na ito ay nagbigay ng inspirasyon sa marami, na ipinakita kung paano ang kasipagan at kabutihan ng loob ay maaaring magdulot ng biyaya mula sa mga taong nakaka-appreciate sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts