Vice Ganda Magpapayaman pa Lalo, Tatayo ng Sariling Comedy Bar

 


Vice Ganda Magpapayaman pa Lalo, Tatayo ng Sariling Comedy Bar

Photo: Vice Ganda/IG


Sa balita na kumakalat, magbubukas na raw ng kanyang sariling comedy bar ang kilalang Unkaboggable Star na si Vice Ganda. 


Isa sa mga alam ng karamihan, malapit sa puso ni Vice ang mga comedy bar dahil dito siya nagsimulang sumikat.


Bago pa man siya maging isa sa pinakapopular na artista sa bansa, nagsimula si Vice bilang isang standup comedian sa mga comedy bar sa buong bansa.


Sinasabing ang comedy bar ni Vice ay magbubukas sa Hunyo malapit sa PBB House sa Eugenio Lopez, Jr.


Nagiging excited na ang mga tagahanga at tagasunod ni Vice na makita ang bagong venture ng kanilang iniidolong artista. Kasabay nito, ang mga standup comedian ay hindi mapigilang magpakita ng kanilang husay sa harap ng mga manonood.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts