Senador Raffy Tulfo Walang Paking Tumakbong Pangulo sa 2028?

 


Senador Raffy Tulfo Walang Paking Tumakbong Pangulo sa 2028?

Photo: Raffy Tulfo/IG


Ayon kay Senador Raffy Tulfo, wala siyang balak na tumakbong pangulo sa taong 2028. Ipinahayag niya ito sa panayam niya kay Karen Davila sa programang HeadStart. Saad ni Senador Raffy, masaya siya sa pagiging senador at marahil ay tatakbo siya muli para sa re-eleksyon bilang senador.


"Wala sa utak ko ang pagtakbo bilang pangulo sa 2028. Naka-focus ako ngayon sa Senado. Ini-enjoy ko ang pagiging senador. Ini-enjoy ko ang pagiging senador," sabi ni Senador Tulfo.


"Isa pa, sakit sa ulo lang 'yan. Sa ngayon pa nga, ang dami ko nang sakit sa ulo. Left and right, marami nang nagagalit sa akin dahil sa mga survey. 'Yung mga fake news, bina-bash ako, atbp.," dagdag pa ni Senador Raffy.


"Kung halimbawa meron akong 10% sakit sa ulo dahil may mga taong ayaw akong patakbuhin o galit sa akin o naiinggit, etc., so much more siguro baka 'yung 10% maging 110% na 'yung mga taong sisira sa akin," pahayag niya.


"Ini-enjoy ko ang pagiging senador. Gusto ko ang pagiging senador. Sa 2028, re-eleksyon at the most ang pwedeng gagawin ko," aniya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts