Raul Dillo Labis ang Sinapit sa Hirap Ng Buhay ng Natapos ang Career sa Pag-aartista
Photo: User/FB
Sa programang ‘Tao po,’ binisita ni Karen De Guzman ang kalagayan ngayon ng binansagang “Pinoy Frankenstein” na si Raul Dillo. Nakilala si Raul sa mga karakter bilang higante at kapre sa mga pantelebsiyong palabas at pelikula. Sa pagbisita ni Karen, ipinakita ni Raul ang loob ng kanyang tahanan na maliit ngunit dito sila naninirahan ng kanyang pamilya. Binanggit niya na pinagtitiyagaan nila ang barung-barong na ito para lamang makaraos sa buhay.
Tubong Mabaste si Raul pero nangungupahan siya ngayon sa Biñan, Laguna kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Ayon kay Raul, unang nanirahan siya sa Paco, Maynila, at umabot ng 15 taon doon bago bumuo ng pamilya. Nadiskubre siya sa isang larong basketball dahil na rin sa kanyang tangkad na umabot sa 7’3, isa sa mga pinakamatangkad na naging basketbolista sa Pilipinas. Naging player siya ng University of the East at San Juan Knights sa Metropolitan Basketball Association noong dekada 90. Subalit, mabilis natapos ang kanyang karera dahil sa injury sa tuhod na nakaapekto sa kanyang paglalaro.
Bagaman nagsara ang mga pinto sa kanyang karera sa basketball, nagbukas naman ito ng oportunidad sa mundo ng telebisyon at pelikula. Hindi umano naisip ni Raul na magiging artista siya dahil hindi niya ito pinangarap kahit minsan. Sunod-sunod ang proyekto sa kanya noon ngunit hindi siya nakaipon ng pera dahil maliit lang ang talent fee. Kalaunan, humina na rin ang pagdating ng trabaho at lumala ang kanyang kalusugan. Nagkaroon siya ng sakit at dumating sa puntong hindi niya alam kung saan kukunin ang pambayad sa ospital. Sa kabila nito, nagtiyaga siyang maglako ng pagkain at mamasada ng tricycle para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Taong 2023, nagtrending si Raul nang manawagan siya ng tulong kay Coco Martin na tinugunan naman at nabigyan siya ng role sa ‘FPJs Batang Quiapo.’ Kahit hindi nagtagal ang role niya, sumubok siyang mag-vlog pero nabigo rin. Sa kabila ng lahat, ipinagmamalaki ni Raul na lumaban siya ng parehas at minahal ang kanyang pamilya hanggang sa huli.
Ganito ang buhay may ups and down..hindi mo talaga alam ang kahinatnan..mananalig lang sa tulong at awa ng dios...
ReplyDeleteLaban lang,dati rin akong talent sa mga teleserye pero nakaapekto sa akin ang pandemic at nagsara ang abscbn kaya nawalan ako ng work.
ReplyDeleteMay awa ang Diyos ang mahalaga mahal tayo NIYA...❤️❤️❤️
We back 1993 Bago plang ako s mnila nun, nabasa ko sya s diaryo na naputikan sya ng camera or agaw pansina KC ang kotse halos tsga kili2x LNG nya,at nbalitaan korin na pinag tryout sya ng pepsi Mega noon
ReplyDeleteIto ang dapat tinutulungan ng mga katulad ng mga taong tumutuling Kay Diwata.
ReplyDeleteOnly God knows have faith in him thanks and always think Him
ReplyDelete