Pelikula ni Paolo Contis Nilalangaw Diumano sa Sinehan

 


Pelikula ni Paolo Contis Nilalangaw Diumano sa Sinehan

Photo: Paolo Contis/IG


Naging mainit na usapin sa social media ang naging pahayag ng direktor na si Ronaldo Carballo tungkol sa pagkakalugi ng dalawang pelikulang Pilipino. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Carballo ang kanyang pagkadismaya dahil sa mababang ticket sales ng mga pelikulang "Isang Gabi" na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Diego Loyzaga, at "Fuchsia Libre" na tampok sina Paolo Contis at John Arcilla. Ayon sa direktor, tila nawawalan na ng interes ang mga tao sa panonood ng lokal na pelikula sa sinehan, mas pinipili na raw ng mga ito ang mga online streaming platforms dahil sa mas murang gastos.


Ipinaliwanag ni Carballo na kahit gaano pa kagaling ang mga artista o kahit gaano kalaki ang production value ng mga pelikula, hindi pa rin ito sapat upang mahikayat ang mga manonood na pumunta sa sinehan. “Wala na talaga sa formula yan. Kahit sinong artista ihain mo, ayaw ng tao. Ayaw na talaga ng mga tao manood ng local film sa sinehan,” ani Carballo. Binigyang-diin din niya na mas praktikal na ang mga tao ngayon, mas pinipili nilang magbayad ng subscription sa mga streaming services tulad ng Netflix kaysa gumastos ng malaki para sa isang tiket ng sine. Dahil dito, iminungkahi niya na mas makabubuti kung makikipagtulungan na lamang ang mga producer sa mga online platforms upang masiguro na hindi malulugi ang kanilang puhunan.


Samantala, maraming netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni Carballo. Ayon kay Max, "Wala kasing kalatuy-latoy ang mga Tagalog movies ngayon. Sa Title pa lang ng mga movies na nakikita ko ngayon, ay di ka mae-enganyo na manood. Tapus sa kwento o istorya, ay yun at yun pa rin. Walang bago.” Sinang-ayunan naman ito ni Mariah na nagsabing, "FilmMakers have to understand the need of the consumers. Dapat naka-align sa nangyayari sa marketplace. They are moving away from expensive things, and membership club and subscription-based companies are the in thing ngayon.” Ang mga pahayag na ito ay nagsilbing paalala na ang industriya ng pelikulang Pilipino ay kailangang makibagay sa pagbabago ng panahon at umangkop sa mga bagong hilig ng mga manonood upang magpatuloy sa pag-usbong.



No comments:

Post a Comment