Paulo Avelino at Kim Chiu Mukbang Kissing Scene sa 'What's Wrong With Secretary' Trending

 


Paulo Avelino at Kim Chiu Mukbang Kissing Scene sa 'What's Wrong With Secretary' Trending

Photo: FB/User


Pinag-usapan sa social media ang KIMPAU Mukbang kung saan todo galing ang ipinakita nina Paulo Avelino at Kim Chiu. Ang kanilang kasiyahan sa pagkain at pag-higop ng kanilang mga paboritong ulam ay talaga namang naghatid ng tuwa sa kanilang mga fans.


Maraming netizens ang nag-react sa nakakatuwang video na ipinost online. Maririnig ang kanilang tawa at hagikgik habang nilalasap ang bawat pagkain. "Masyadong ginalingan! Higop kung higop!" ang komento ng isang netizen na tila aliw na aliw sa kanilang bonding moment.


Trending na rin ang mga hashtags na #WhatsWrongWithSecretaryKimPH, #KimPauOnViu, #KimPauOniWantTFC, #KimPau, #PauloAvelino, at #KimChiu, na nagpapakita ng suporta at pagmamahal ng kanilang mga tagahanga. Talagang patok ang tandem nina Paulo at Kim sa kanilang mga fans, na hindi lang sa acting, kundi pati na rin sa kanilang mga nakakatuwang online content.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts