Paolo Contis, No Comment sa Hiwalayan Isyu Nila ni Yen Santos

 



Paolo Contis, No Comment sa Hiwalayan Isyu Nila ni Yen Santos


Trending ngayon sa social media ang pagkabura diumano ng mga litrato ni Paolo Contis sa personal na Instagram account ni Yen Santos. Umugong ang balitang tila may pinagdadaanan diumano na problema sa relasyon ngayon si Paolo Contis at Yen Santos. Naging basehan na ng mga netizens na kapag ang isang artista ay nagbura ng mga litrato sa kanyang social media ng karelasyon nito, ibig sabihin may problema diumano sa kanilang pagsasama.


Napansin ng mga netizens kasi na maging ang pagbati ni Yen Santos kay Paolo Contis noong kaarawan nito ay burado na rin diumano. Kaya naman sa nasabing interview, tila nakakuha ng pagkakataon ang mga press people para tanungin ang estado ng relasyon ni Paolo at Yen. Ngunit hindi pa man natatanong si Paolo tungkol dito ay agad itong nagsabi ng no comment, na tila sagot sa isyung hiwalayan nila ng aktres na si Yen Santos.


Nabulabog kamakailan ang mundo ng social media matapos mabalita ang hiwalayan ng dalawa na nag-udyok sa mga netizens na meron diumano'ng hindi pagkakaunawaan na nangyari sa pagitan ng magkasintahan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Paolo Contis: “No comment, no comment… masyado na kayong may alam sa buhay ko, so I’d like to keep it personal, my personal life personal.” Kaya naman sari-saring komento ang natanggap ni Paolo Contis muli sa mga netizens, na kung saan maraming nagsabing tila karma na diumano ito kay Paolo.


Matatandaan na tinaguriang ‘Bestfriend ng Baguio’ si Paolo Contis at Yen Santos matapos mahuli ng mga netizens na magkasama ito sa gitna ng hiwalayan nila noon ni LJ Reyes. Narito ang ilang komento ng mga netizens: “Di maamin na break na kasi nakakahiya lalo hahaha,” “Walang pangarap na maging permanenteng padre de pamilya, hindi pa nagsawa sa pagka-binata, matatauhan lang yan pag mag-isang tumanda at mahina na. Tignan nyo si John Regala, mag-isang tumanda at nagkasakit pa,” “Ganyan talaga ang showbiz lahat kakalkalin sana masanay na kayo,” at “Nakakailan ka ng hiwalay? Baka ang sumunod ay pahinga naman ng totoo. Sana wala nang pumatol sa'yo dahil sobra ka nang famous sa mga ginawa mo.”

No comments:

Post a Comment

Popular Posts