Paolo Contis May Parinig sa Kanyang Manager na si Lolit Solis

 


Paolo Contis May Parinig sa Kanyang Manager na si Lolit Solis

Photo: Paolo Contis/IG


Nag-viral ngayon sa social media ang mensahe ni Paolo Contis para sa kanyang manager na si Lolit Solis sa pagdiriwang ng kanyang ika-77 na kaarawan kamakailan lang. Sa video na ipinost ni Salve Asis sa Instagram, ibinahagi ni Paolo ang kanyang matagal nang kagustuhan na si Lolit ang mag-handle ng kanyang career.


"Nung nagkaroon na ako ng ibang manager after how many years, gusto ko talaga si Nay Lolit mag-handle sa akin. E, may iba akong manager noon. So, sa kagustuhan ko, binili ko yung kontrata ko sa manager ko para mapunta ako kay Nay Lolit," kwento ni Paolo.


Nagbiro pa si Paolo na simula nang naging manager niya si Lolit, tila nagkagulo ang kanyang buhay. "And simula nun, nagkagulu-gulo na ang buhay ko! Kaya ayun, kita niyo… tingnan niyo ang nangyari sa akin," pabirong sabi ni Paolo, na sinundan ng mga tawa ng mga nanonood.


Sa kabila ng lahat, nagpasalamat si Paolo kay Lolit para sa kanyang walang sawang pagtatanggol sa kanya, kahit pa minsan ito rin ang dahilan ng mga isyu. "Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, yung pagmamahal mo sa akin kahit hindi ako kamahal-mahal minsan. Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin sa mga isyu na ikaw rin naman ang may gawa. Oo, may sasabihin akong sikreto sa kanya, ikakalat niya yun sa iba. Tapos ipagtatanggol niya ako. Pero hindi. Yan si Nay Lolit, e! Huwag mong sabihing hindi totoo? E, ganun talaga si Nanay. It’s either you love her or you hate her, but me, I love you very, very much. You’re my second mom," sabi ni Paolo na puno ng pagmamahal at pagpapahalaga.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts