Paolo Contis May Banat sa Nangingialam ng Kanyang Relasyon: 'masyado na kayong may alam sa buhay ko'

 


Paolo Contis May Banat sa Nangingialam ng Kanyang Relasyon: 'masyado na kayong may alam sa buhay ko'

Photo: Paolo/IG


Paolo Contis, iwas na iwas sa usapin ng paghihiwalay umano nila ng kanyang girlfriend na si Yen Santos. Nag-umpisa ang usap-usapan tungkol sa pagkakalabuan ng celebrity couple nang biglang burahin ni Yen ang lahat ng litrato nila ni Paolo sa kanilang social media accounts. Dagdag pa rito, in-unfollow din ni Yen ang lahat ng mga taong kanyang sinusundan sa Instagram, kasama na si Paolo.


Kaya naman noong maharap siya ng media sa premiere night ng kanyang bagong pelikula na "Fuchsia Libre," tinanong siya tungkol sa tunay na sitwasyon ng kanilang relasyon ni Yen. Sinabi ni Paolo na hindi muna siya magsasalita tungkol dito at nais niyang manatiling pribado ang kanyang personal na buhay. “No comment! As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” ang sagot ng Kapuso star sa isyu. Sa pag-check namin sa Instagram account ni Paolo, pina-follow pa rin niya si Yen ngunit in-unfollow niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan sa platform. Hindi rin niya binura ang mga larawan nila ni Yen sa kanyang IG.


Noong November 2023, nagsalita si Paolo sa "Fast Talk With Boy Abunda". Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Dahil ito’y napag-uusapan, tanong ng bayan — Kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen? Will you talk or will you dare?” “Talk. Para matapos na,” sagot ni Paolo. “Yes. Kami pa ni Yen,” aniya. Ipinaliwanag ni Paolo na ang viral video nila ni Arra ay edited lamang, “And alam mo, ‘yung mga kumakalat sa ‘min ni Arra, it’s an edited video of a portion in ‘Eat Bulaga.’ “It was maliciously edited. It’s a skit love triangle ni Arra, ako, at saka si Candy played by Betong and they just keep on posting our side of it,” sabi pa niya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts