Panoorin ang Full Video: Nash Aguas at Mika Dela Cruz ng 'Goin Bulilit' Ikinasal Na!

 


Panoorin ang Full Video: Nash Aguas at Mika Dela Cruz ng 'Goin Bulilit' Ikinasal Na!

Photo and Video: Nash Aguas at Mika Dela Cruz /IG


Masayang ibinalita ni Mika Dela Cruz ang kasalan nila ng kanyang nobyo na si Nash Aguas. Sa kanyang Instagram post noong Mayo 18, 2024, ibinahagi ni Mika ang ilang kaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden sa Tagaytay. Isang larawan ang kanyang ibinahagi, kung saan makikita siya habang naglalakad sa aisle, patungo sa kanyang magiging asawa. Kasama rin sa larawan ang kanyang mga magulang na nag-aabot ng kamay kay Nash Aguas.


Sa caption ng post, isinulat ni Mika ang mga katagang, "Walking towards my God-sent, my Love, and my forever." Agad namang nagpaabot ng kasiyahan at pagbati ang mga kaibigan at tagahanga ng couple. Ilan sa mga kilalang celebrities na nagbigay ng kanilang congratulatory messages ay sina Gabbi Garcia at Rodjun Cruz. Ayon kay Gabbi Garcia, “Omg Mikaaaa πŸ₯Ή I know you’ve been waiting for this day. I’m so so so happy for you and Nash!!! 🀍✨ You deserve all the love and happiness. Congratulations, beautiful couple!” Samantala, sinabi naman ni Rodjun Cruz, “Congratulations Mika & Nash!πŸ˜πŸŽ‰πŸ’˜ God bless you both always.”


Unang nagkakilala sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa kiddie show na 'Goin Bulilit.' Ang kanilang pagkakaibigan mula pagkabata ay nauwi sa isang matibay na pag-iibigan. Ngayon, ang kanilang relasyon ay umabot na sa puntong sila ay nagpakasal, isang bagong yugto sa kanilang buhay na kapwa nilang pinaghahandaan at pinapangarap.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts