Otlum Nilevel Up ang Ambisyon and Nag Dare Challenge sa Beauty Brand Owner Na Pagandahin Sya

 



Otlum Nilevel Up ang Ambisyon and Nag  Dare Challenge sa Beauty Brand Owner Na Pagandahin Sya

Photo: Otlum/IG


Hinahamon ni Otlum ang mga beauty brand owners: “Ako ang pagandahin n’yo!” Hinihintay ngayon ng publiko kung may tatanggap sa hamon ng kilalang social media personality na si Otlum, matapos niyang mag-viral sa isang video. 


Sa naturang video, diretsahang sinabi ni Otlum, “Kung talagang gumagana ang mga sabon at gamot n'yo, ako ang pagandahin n'yo.” Dagdag pa niya, “Hindi 'yung maganda, ang pinapaganda n'yo pa. Mga abnormal.”


Marami ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon sa comment section, kung saan ang ilan ay sumang-ayon sa kanyang pananaw habang ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang duda at pag-aalinlangan. Ang kanyang hamon ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens at beauty brand enthusiasts na nag-aabang kung sino sa mga kumpanya ang tatanggapin ang pagsubok at gagawin si Otlum na kanilang brand ambassador.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts