Ogie Diaz May Diumano ay may Hinanakit sa Artistang Umutang sa Kanya?

 



Ogie Diaz May Diumano ay may Hinanakit sa Artistang Umutang sa Kanya?

Photo: Ogie Diaz/IG


Naglabas ng kanyang saloobin si Ogie Diaz hinggil sa mga artistang umuutang sa kanya na hindi na nagbabayad. Sa kanyang kuwento, ibinahagi ni Ogie ang ilang pangyayari kung saan ang ilan sa mga dating alaga niya ay nag-utang ng pera at hindi na nagbayad. Isang artistang pinahiram niya, na dati'y lambing, ngunit sa bandang huli, siya pa ang itinuturong masama, kahit may listahan na ng dapat bayaran.


Isa pang dating alaga naman ay kahit pa mayroong palaging utang na lima-libong piso kada buwan, ay nagbabayad naman daw ito, subalit hindi sapat para mabayaran ang kabuuan ng utang. May isa pang dating kaibigan na mayroon ding utang, ngunit pag sinisingil na, ang sabi ay si Ogie pa raw ang may utang dahil sa mga "ipinapadala" at ginagastos na akala niyang regalo lamang.


Napapraning na rin si Ogie sa mga nanlilibre sa kanya, baka raw maisumbat pagdating ng araw. Sa kanyang pagtatapos, nagpahayag siya ng panghihinayang at pangamba na baka mabasa ng mga anak ng mga artistang ito ang kanilang mga saloobin, at maging kahihiyan pa nila ang kanilang mga magulang na kilalang aktor at aktres.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts