Netizens Naintriga ng Maglakad sina Iris Lee at Xian Lim Papuntang sa isang Event sa Cannes, France

 


Netizens Naintriga ng Maglakad sina Iris Lee at Xian Lim Papuntang sa isang Event sa Cannes, France

Photo: Iris Lee at Xian Lim/IG


Tinaasan ng kilay ng ilang netizens ang larawan na ibinahagi sa social media ni Iris Lee kasama ang boyfriend na si Xian Lim habang naglalakad sa ulan sa Cannes, France. 


Sa naturang larawan, makikitang nakaakbay si Xian kay Iris habang hawak ang payong. Nasa France ang dalawa para dumalo sa prestihiyosong Cannes Film Festival, ngunit tila naiirita ang ilang netizens sa kanilang ipinakitang sweetness.


Ilang netizens ang nagbigay ng negatibong reaksyon sa larawan nina Iris at Xian. Ang iba ay nagsabing, "Jan na lang kau wag na bumalik," at "Hanggang kelan naman kaya yan Xian? Lol." 


Mayroon ding nagkomento ng, "Sayong sayo na yan madam Iris! Walang aagaw." Ang mga puna ay tila nagpapakita ng kawalan ng tiwala at suporta ng ilang netizens sa relasyon ng dalawa.


Mayroon ding nagsabi na ginagamit lamang umano ni Xian si Kim Chiu para mapansin, lalo na't may paparating siyang pelikula, tulad ng, "They can do whatever they want, wala naman na pake si Kim sa kanila, pero please lang Xian stop using Kim para umingay ka because of your upcoming movie lol." 


Ang iba naman ay nagsabi na, "Ganyan din siya nung una kay Kim, mga bulaklak na malaki pa sa bahay binibigay," at "Sus. They’re still in the honeymoon phase." Ang mga pahayag na ito ay nagpapakita ng pag-aalinlangan ng ilang netizens sa katatagan ng relasyon nina Iris at Xian.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts