Netizen Depensa si Crissa Liaging Laban sa 'Flirting' Issue"

 


Netizen Depensa si Crissa Liaging Laban sa 'Flirting' Issue"

Photo: User/IG


Matapos ang mga alegasyon ng 'flirting' sa pagitan nina Philmar Alipayo at Crissa Liaging, isang netizen ang lumutang upang ipagtanggol si Crissa laban sa mga paratang.


Isang netizen na kilala bilang Ekang Devila ang nagbahagi ng larawan nina Philmar at Crissa na magkasama. Sa kanyang pahayag, sinabi niya na ang post na ito ay hindi upang ipagtanggol si Crissa kundi upang ipaliwanag na walang naganap na landian sa pagitan ng dalawa. Ayon sa kanya, noong mga oras na kinuhanan ang mga larawan, nais na umalis ni Crissa ngunit may mga tao raw na gustong kumuha ng litrato kasama si Philmar.


Nagpahayag din ang netizen na hinanap nila si Andi Eigenmann, kasintahan ni Philmar, sa oras na iyon. Binigyang-diin pa niya na hindi kasalanan ng kanyang amo (Crissa Liaging) kung gaano ka-clingy si Philmar. Sinabi pa niya na wala silang ibang layunin kundi mag-enjoy at hindi sila nag-'flirting'.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts