Mystica May Banat kay Diwata na 'Pares Overload' - 'Diring-diri sa Paresan na Nilalangaw?"

 



Mystica May Banat kay Diwata na 'Pares Overload'  - 'Diring-diri sa Paresan na Nilalangaw?"

Photo: Mystica & Diwata/FB


Trending ngayon si Mystica matapos niyang tawagin na dugyot ang paresan ni Diwata. Hindi nagustuhan ni Mystica ang diumano’y pang-issnab ni Diwata sa mga customers, at ayon pa kay Mystica, nagbago na umano si Diwata simula nang sumikat ito.


Isang video ang inilabas ni Mystica sa online community na pinagpiyestahan ng mga netizens. Ang laman ng video ni Mystica ay pambabatikos sa Diwata Pares Overload. Ayon kay Mystica, tila nandidiri na umano si Diwata sa mga customers na nais magpapicture sa kanya, lalo na sa maliliit na customers, samantalang todo asikaso ito sa mga bumibisitang sikat na personalidad. “Yung itsura ni Diwata ngayon, nandidiri na sa mga taong gustong magpa-picture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online. Iba ang trato n’ya sa mga bumibili ng pares n’ya na talagang sumusuporta sa kanya pero ‘pag s’ya ang bibigyan ng blessing todo asikaso s’ya buong araw,” ayon kay Mystica.


Bukod dito, binatikos din ni Mystica ang mismong paresan ni Diwata na tinawag niyang dugyot. Ayon kay Mystica, dapat daw bigyan ni Diwata ng pansin ang kalinisan ng kanyang tindahan at hindi mambara ng mga taong nais siyang makita. “Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa’yo, ‘yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mambara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” dagdag ni Mystica. Maraming netizens ang sumang-ayon kay Mystica, na nagpahayag din ng kanilang mga karanasan at opinyon sa social media.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts