Money Garland Isyu: Anak ni Pacquiao at Isang Netizen Pinagkumpara
Photo: User/IG
Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa pagsabit ng money garland sa isang bata na nagtapos ng pag-aaral, isang tradisyong Pinoy na naging popular ilang taon na ang nakararaan. Isang ginang ang nagviral matapos bigyan ang kanyang anak ng money garland sa araw ng pagtatapos nito. Bagaman maraming netizens ang natuwa at pumuri sa ginang, may ilan din na nagbatikos, sinasabing tila pagyayabang daw ito upang ipakita na may pera sila. Ang isyu ay nagdulot ng mainit na diskusyon online, kung saan marami ang nagtatanong kung ang ganitong uri ng pagpapakita ng suporta ay nararapat o hindi.
Isang netizen ang nagpost, “A few years ago, may nag viral na rin na isang milyong money garland ang binigay ng pamilya sa high school graduate na anak. Don’t get me wrong on this. I understand na supportive kayo sa mga anak ninyo, at yes, pera nyo yan. But if you look closely, you graduated in a covered court. It would be fine if you were graduating alongside with the children of Henry Sy. However, even the world’s wealthiest people wouldn’t do this because there’s something money can’t buy: sensitivity to those around us." Maraming netizens ang kumampi sa ginang, sinasabing pera nila iyon at may karapatan sila kung paano ito gagamitin.
Sa kabilang banda, pinagkumpara naman ng ilang netizens ang litrato ng bilyonaryo na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang asawa na si Jinky at anak na si Mary Pacquiao, na kakatapos lang din magtapos. Mapapansin na walang suot na money garland si Mary sa kanyang pagtatapos. Ang paghahambing na ito ay nagbigay-daan sa diskusyon kung ang pagbibigay ng money garland ay simpleng pagpapakita lamang ng pagmamahal at suporta sa anak, o kung ito ay tila pagyayabang lamang. Ang iba't ibang opinyon ng netizens ay nagpakita ng iba't ibang pananaw ukol sa isyu, na nagpapakita ng kahalagahan ng sensitibidad sa panahon ng selebrasyon.
No comments:
Post a Comment