Lovi Poe May Banat sa Nagsasabing Sya ay 'Flat Chested'

 



Lovi Poe May Banat sa Nagsasabing Sya ay 'Flat Chested'


Naging sentro ng mga usapan si Lovi Poe kamakailan matapos ibahagi ang kanyang karanasan sa mga panlalait na natanggap niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Ayon sa aktres, madalas siyang laitin dahil sa kanyang kulay at pagiging flat chested. Ibinahagi niya ang kanyang kuwento sa isang press conference para sa contract signing niya bilang bagong endorser ng Skin Care Depot (SCD).


"Actually, parang I had a moment noon na dapat magpaputi ako. Until one time I remember na I’m having a conversation, na I was stubborn kasi talaga sa mga alaga ng manager ko. Parang nasabi ko, eh ano kung dark skin color ako? Or flat chested ako?" ani Lovi. Ayon sa kanya, imbes na magpaapekto, nagdesisyon siyang pagbutihin na lamang ang kanyang trabaho. "Ang sabi ko na lang basta gagalingan ko na lang. Kasi sino pa ba magmamahal sa sarili mo kundi ikaw, di ba? So hindi na siya naging isyu sa akin, hindi na ako affected. So what? Ganun ang naging attitude ko. I’m happy where I am now. Hindi ako nagpatalo sa mga ganung panlalait."


Nabanggit din ni Lovi na minsan niyang pinag-isipan ang pagpapalaki ng dibdib ngunit hindi niya itinuloy ito. "I’ll be honest naisip ko rin na parang, should I? Pero I’m so paranoid kasi sa mga ganiyan, and I’m happy naman na hindi ko ginawa. Pero nakakainggit din kapag may nakikita akong mga taong may big boobs. Sana all! Hahaha! Pero now na may husband na ako, I don’t need to have a boob job! Hahaha!" sabi ni Lovi. Sa kabila ng mga pagsubok, masaya siya ngayon sa kanyang estado sa buhay at pinili niyang yakapin at ipagmalaki kung sino siya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts