Kim Chiu May Ibinunyag na Maraming Nataggap na Regalo Mula kay Paulo Avelino

 



Kim Chiu May Ibinunyag na Maraming Nataggap na Regalo Mula kay Paulo Avelino

Photo: Paulo/IG

Si Paulo Avelino ay kilala hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang pagiging galante, lalo na sa kanyang leading lady na si Kim Chiu. Kamakailan lamang, tapat na inamin ni Kim na marami na siyang natanggap na regalo mula kay Paulo. Sa isang panayam sa ABS-CBN News, ibinahagi ni Kim na ang unang regalo ni Paulo sa kanya ay apat na notebook. "May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko siya tapos tsaka ko siya papalitan," ani Kim.


Ayon pa kay Kim, napansin ni Paulo ang kanyang lumang notebook na ginagamit pa niya mula sa mga proyektong 'Fit Check', 'Linlang', at 'Secretary Kim'. "Sabi niya, ‘Wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook’," dagdag pa niya. Dahil dito, binigyan siya ni Paulo ng apat na bagong notebook, na ikinatuwa naman ni Kim.


Hindi lang dito nagtapos ang pagiging maalalahanin ni Paulo. Nagbigay rin siya ng taping chair kay Kim upang maging mas komportable ito habang nagtatrabaho. "Bumili rin siya ng taping chair tapos ang comfy," sabi ni Kim. Ipinaliwanag ni Paulo ang dahilan sa likod ng regalo: "Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya. So, sige bigyan ko nga si Kim." Tunay ngang ipinapakita ni Paulo ang kanyang malasakit at pag-aalaga sa kanyang co-star, na mas lalong nagpalapit sa kanila bilang magkaibigan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts