Kim Atienza May Banat sa Nagpalayas sa Anak at Naging Homeless sa US

 







Kim Atienza May Banat sa Nagpalayas sa Anak at Naging Homeless sa US 

Kim Atienza/IG


Si Eliana Atienza, 19 taong gulang, ay ang anak ni Kim Atienza na kasalukuyang nag-aaral sa University of Pennsylvania (UPenn), kung saan siya ay isang sophomore student sa kursong BA Environmental Studies. 


Lumabas ang balita na nasuspende si Eliana sa paaralan dahil sa pagdalo sa isang rally sa Amerika bilang protesta laban sa military action ng Israel sa Gaza.


Nagsalita si Kim Atienza upang linawin ang mga kontrobersyal na balita. Sa isang panayam ng ABS-CBN News noong Biyernes, Mayo 24, 2024, sinabi niya na suportado nila ng buong pamilya si Eliana at ang kanyang mga adbokasiya. 


Nilinaw ni Kim na hindi Pro-Hamas si Eliana at hindi totoo na na-expel ang kanyang anak. Binanggit niya na ang anak ay naalis lamang sa dorm bilang parusa ng paaralan at babalik sa susunod na semester matapos ang bakasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts