Karla Estrada May Mensahe sa Anak na si Daniel Padilla: “kailangan mong magkamali para may matutunan ka”






Karla Estrada May Mensahe sa Anak: “kailangan mong magkamali para may matutunan ka” 

Photo: Bernadette/YT


Sa isang panayam kay TV broadcaster Bernadette Sembrano-Aguinaldo, ibinahagi ni Karla Estrada ang kanyang mga saloobin tungkol sa anak na si Daniel Padilla. Nagbahagi si Karla ng mga aral at payo na kanyang ibinibigay sa kanyang mga anak upang harapin ang mga hamon at pagsubok sa buhay. Ayon kay Karla, "Yung anak ko, pinag-usapan ng buong daigdig. I always pray he will be okay but at the end of the day, yung question na kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo nun. As a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko. Hindi lang kay Daniel and I always pray na maging better sila."


Dagdag pa ni Karla, "Sana kapag dumadaan sila ng mga pagsubok, sana maganda ang lesson. Kailangan mong magkamali para may matutunan ka, at para maging mas maayos ka at mabuting tao. Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ako, gusto niya akong makausap." Binanggit din niya na itinuro niya sa kanyang mga anak na pwede silang madapa at matuto mula rito dahil hindi pwedeng tumigil ang buhay. "Bago ka matulog, magpatawad ka at humingi ka ng tawad. Ipagdasal mo yung mga taong nagagalit sa’yo. Every time may pagsubok yung mga anak ko, I make sure na ako yung pader na pwede nilang sandalan," ayon pa kay Karla.


Sa kanyang mga pahayag, makikita ang matinding pagmamahal ni Karla sa kanyang mga anak, lalo na kay Daniel, at ang kanyang pangarap na maging mas mabubuting tao sila sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Palaging nandiyan si Karla upang suportahan sila at ipakita ang kanyang walang hanggang pagmamalasakit bilang isang ina.


/>

No comments:

Post a Comment

Popular Posts