Ka-look-alike ni Alice Guo, Ininterview ni Meme Vice sa It’s Showtime

 


Ka-look-alike ni Alice Guo, Ininterview ni Meme Vice sa It’s Showtime 

Photo: Kapamilya Online Live/YT

Noong Mayo 23, 2024, isang babae ang agaw-pansin sa episode ng It’s Showtime, lalo na kay Vice Ganda. Habang kausap ni Vice ang kanyang mga co-hosts at mga kalahok ng ‘Karaokids,’ napansin niya ang isang babae na kamukha ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.


“Gusto muna nating i-acknowledge ang presence… excuse me,” sabi ni Vice. “Mayor, thank you so much for gracing our show.”


Agad namang sinabi nina Amy Perez at iba pang co-hosts ng It’s Showtime kay Vice na mali ang kanyang tinutukoy. Ngunit hindi tumigil si Vice sa pakikipag-usap sa babae.


“Buti na lang naalala mo ang daan papunta rito,” biro ni Vice, na tumutukoy sa viral statement ni Guo tungkol sa pagkalimot sa kanyang nakaraan. “Dito kasi siya nag-aral. Nasaan na si Teacher Rubilyn?” dagdag pa niya.


Nakipagsabayan naman ang babae kay Vice. “Hindi ko na po maalala,” sagot niya.


“Saan ba talaga nakatira si Teacher Rubilyn?” tanong muli ni Vice.


“Your honor, hindi ko na po maalala,” sagot ng babae.


Nagdulot ito ng maraming tawanan sa mga manonood ng It’s Showtime. Samantala, ang tunay na Alice Guo ay kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa kanyang pagtanggi na magbigay ng malinaw na impormasyon tungkol sa kanyang nakaraan. Naaalala na tinanong ng publiko ang citizenship at hindi maipaliwanag na yaman ni Guo.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts