Ivana Alawi Diumanoy Naging Mataray sa Set ng FPJ's "Batang Quiapo"

 


Ivana Alawi Diumanoy Naging Mataray sa Set ng FPJ's "Batang Quiapo" 

Photo: Ivana Alawi/IG


Sa pinakabagong video na ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang kanyang karanasan nang dumalaw siya sa set ng FPJ's "Batang Quiapo." Ayon kay Ogie, nagtungo siya sa set upang bisitahin ang kanyang alaga na si Kim Rodriguez. Habang naroon, napadpad siya sa lugar kung saan naroon si Ivana Alawi. Sinubukan niyang batiin at bumeso sa aktres, ngunit tila inisnab siya nito. Ayon kay Ogie, tila hindi siya nakita ni Ivana dahil abala ito sa paghawak ng electric fan at maaaring dahil sa sobrang init ng panahon, kaya wala umano ito sa mood.


“Bineso ko eh, dedma… eh nahiya na ko noh, baka naman ano, sobrang lang siyang pinapawisan that time… kaya focus na focus siya ‘dun sa electric fan niya,” kwento ni Ogie. Sa kabila nito, nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Coco Martin at nagkwentuhan sila. Ngunit hindi maiwasan ng mga cohosts ni Ogie na magtaka kung ano ang dahilan ng tila malamig na pagtrato ni Ivana.


Sinagot ito ni Ogie at patawa-tawang sinabi, “baka ‘yong dating isyu dito noon.” Hindi na nagdetalye pa si Ogie tungkol sa kung anong isyu ang tinutukoy niya, ngunit mukhang may alitan na hindi pa natutuldukan sa pagitan nila ni Ivana. Sa kabila ng insidenteng ito, nanatiling kalmado at maunawain si Ogie, naiisip niyang baka nga nasa masamang pakiramdam lamang ang aktres noong mga oras na iyon.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts