Iba Pang Kasama ni Deniece Cornejo sa Pagbgbog kay Vhong, Sumuko Na!

 

Iba Pang Kasama ni Deniece Cornejo sa Pagbgbog kay Vhong, Sumuko Na!

Photo: User/FB


Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kaso ni Vhong Navarro na si Ferdinand Guerrero, matapos ang halos dalawang linggong paghahanap ng mga kapulisan. Ang pagkakasukong ito ay itinuturing na isang magandang balita para kay Vhong Navarro, dahil hawak na ng mga awtoridad ang apat na kanyang kinasuhan. Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa insidente ng pambubugbog, paggapos, pananakot, at pagditine kay Vhong sa condo unit ni Deniece Cornejo sa Taguig City noong Enero 2014.


Ang kaso ay nauwi sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong laban sa mga suspek na sina Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, Deniece Cornejo, at Simeon Raz. Ang apat na akusado ay sinentensyahan ng 40 taong pagkakakulong. Unang ikinulong si Deniece Cornejo at isa pang akusado, habang sumuko naman kinabukasan si Cedric Lee sa NBI. Kasalukuyang nakakulong si Deniece sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, at si Raz naman ay nasa Reception and Diagnostic Center ng NBP.


Matapos ang halos dalawang linggo ng paghahanap, si Ferdinand Guerrero ay kusang sumuko sa NBI. Ayon sa pahayag ng NBI, "Director de Lemos immediately formed a team composed of NBI International Operations Division (IOD) agents and proceeded to Buendia Ave., Makati City. The accused again stated his willingness to surrender and went peacefully with the NBI agents." Sinabi rin ng NBI na kasalukuyang inihahanda na ang mga dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa issuing court. Kanselado na rin ang kanilang bail bond, ngunit maaari pa rin nilang iapela ang naging desisyon ng korte. Sa ngayon, wala pang pahayag si Vhong Navarro kaugnay sa pinakahuling update na ito.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts