Graduation Ceremony sa Davao, Viral Dahil sa Diumanong Hindi Pagrespeto Dahil sa 'Kadyot' Sayaw ng mga Graduates

 






Graduation Ceremony sa Davao, Viral Dahil sa Diumanong Hindi Pagrespeto Dahil sa 'Kadyot' Sayaw ng mga Graduates

Photo: User/Tiktok


Isang graduation ceremony sa Kapalong College of Technology sa Davao del Norte ang naging sentro ng usapan sa social media matapos ang kakaibang gimik ng ilang nagsipagtapos. Sa halip na tradisyunal na pagkuha ng diploma, ilang estudyante ang nagpakita ng mga acrobatic moves at iba pang kakaibang kilos sa harap ng mga opisyal ng paaralan at mga magulang. Ang video ng kanilang pagtatanghal ay mabilis na kumalat at nag-ani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.


Marami sa mga netizens ang nagulat at hindi natuwa sa naging asal ng mga estudyante. Isang netizen, na may username na Eve, ang nagtanong, "Ano bang klaseng paaralan ang magpapahintulot sa mga estudyante na umakto ng ganyan?" Mayroon ding nagsabi na parang ayaw na ng mga graduates na mag-aral pa, na tila hindi pa tamang panahon para magdiwang dahil may kolehiyo pang haharapin. Ang pangyayari ay umani ng maraming komento, karamihan ay nanawagan sa Department of Education (DepEd) na aksyunan ang insidente at maglabas ng mas malinaw na patakaran para sa mga graduation rites.


Sa kabila ng mga negatibong reaksyon, wala pang opisyal na pahayag ang DepEd tungkol sa nangyari. Ayon sa ilang gabay ng DepEd, ang graduation rites ay dapat maging solemne at pormal. Gayunpaman, maraming netizens ang naniniwala na kinakailangan ng mas mahigpit na mga patakaran upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa mga susunod na seremonya ng pagtatapos.



@chriscutie30 Kapalong College of Technology Viral Graduation Ceremony with Tiktok Dance Moves 😒😒😒😒 #fyp #deped #depedteacher#graduation #graduation2023 #philippines #saraduterte ♬ Instrumen Sholawat Sedih - Yuda pratama

No comments:

Post a Comment

Popular Posts