GMA Writer Suzette Inokray Diumano ang Kapamilya Artist Loisa Andalio tungkol sa 'Solo Traveling'

 


GMA Writer Suzette Inokray Diumano ang Kapamilya Artist Loisa Andalio tungkol sa 'Solo Traveling'

Photo: User/IG

Nagbigay ng reaksiyon ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero sa pahayag ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio tungkol sa solo traveling. Para sa ibang tao, ang solo traveling ay nagiging "therapeutic," ngunit para kay Loisa, hindi niya ito nauunawaan at hindi niya nakikitang maganda ang paglalakbay nang mag-isa.


“Siyempre mas naa-appreciate natin ‘yong napupuntahan natin kapag mahal natin ‘yong kasama natin. Gumaganda rin ‘yong view dahil sa kasama natin,” sabi ni Loisa. “Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan ‘yong mga tao na nagsosolo travel— parang ang lungkot. Kasi, sino ‘yong kabatuhan mo na ‘Ang ganda ng view’? Grabe ‘yong pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang magiging solo na lang,” dagdag pa niya.


Nagbahagi si Doctolero ng isang ulat ng lokal na pahayagan online tungkol sa pahayag ni Loisa at kinomentuhan ito ng, “Ay, mahina ka palang nilalang, e! Char! 🤣” Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Doctolero bilang "mahinang nilalang"—si Loisa ba o ang mga taong nagsosolo travel na binanggit ni Loisa.


Sa ngayon, wala pang tugon o pahayag si Loisa patungkol sa reaksiyon ni Suzette Doctolero at ng mga netizen sa kanyang pananaw tungkol sa solo traveling.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts